Friday, June 23, 2006
i hate this. but i have to.
6:21 AM
ikaw naman kasi may kasalanan eh. ako nag-rreach out ayaw mo. eeh tao lang ako. napapagod. napagod. pagod. mapapagod. basta. ikaw naman ung nagpapalala ng situation eh. ayaw mong lumapit. ayokong gumawa ng move kasi gusto ko ma-realize mo kung pano kahirap mag-reach out tapos hindi ka pinapansin. sinasabi mo na nahihirapan ka, eh tae. bakit hindi ka gumawa ng paraan para maayos? pinagbigyan na kita dati. hindi ko lang alam kung nababadtrip ka talaga kapag hindi tayo maayos. kasi i don't see it. wala akong nakikita kahit KONTING effort. ayoko na sana dagdagan ung problema mo pero kilala mo ako. kapag ayaw, ayaw. ikaw na mismo nagsabi nian. na kung anong nararamdaman ko un ung pinapakita ko. ang dami ko ng naiisip na nagbago ka na. tae, nakakairita talaga. hindi ko alam kung iniisip mo na hindi naman kita matitiis like before. tae. nakakirita talaga. sa totoo lang ngayon, ngddoubt na ako kung totoo pa ba na gusto mong magkaayos pa tayo. para saan pa ba? eh masaya ka nanaman. gusto ko nalang magmura ngayon kasi kahit ako hindi ko ma-explain kung bakit ganito na. bakit sobrang layo mo na. kung ayaw mo na kasi magsalita ka. haay. feel ko sobrang nakapag move on ka na dun sa dati. pero alam mo naman na para sakin kung ano tayo dati un parin hanggang ngayon eh. kpag kinakausap ka ng masinsinan kapag sinasabi ko sayo ung naffeel ko sasabihin mo wag mo na yan isipin, na wala lang yan. hindi naman ganon. bahala ka. kahit naman in need ka hindi mo ako kinakausap eh. eh alam mo naman na i'm always there. palagi. ako pa ung nagtatanong sayo. kapag may problema. sila pa ung unang makaka-alam. tae. nakakainis talaga. bahala ka na kung anong gusto mo. hindi ko na alam kung pano makitungo sayo. basta, BADTRIP KA SAKIN. WAG MO AKONG ARTEHAN KUNG TOTOO KA SA MGA GUSTO MONG SABIHIN. AT KAPAG SINABI MO GAWIN MO. SORRY KA PERO NA-IIRITA AKO SAYO. NAKAKAIRITA KA.
